Sunday, February 6, 2011

IF I WERE TO LIVE MY LIFE AGAIN

I have watched so many beauty pageants in which contestants have been asked, “If you were to live your life again, would you be the same or would you change things?” If I were under this circumstance, what could have been my response?

I am no beauty queen. Never did I imagine myself being one.

As I began to review the past, it is then that I realized the word “regret.” I could have collected thoughts of happiness though. But if one is perturbed by snags, the heart is wounded no matter how encouraging people are. “Things of the past should be forgotten. It is time to move on.”

As I dig into the depth of my loneliness, I felt the grief of looking into my mother’s lifeless body, dressed in all white. I looked at her; never blinked, imagined that she was just sleeping soundly. But as they carry the casket, as I hear weeping from the crowd, the truth dawned on me.

I shall never see my mother again. Never.

I visited her in the hospital Saturday night. She was so insistent that she has to go home, that she’s fine. I tucked myself on her side as we recounted stories of her grandchildren. She tried concealing her sadness, but I could feel that she already had a premonition of her death. I cleaned her ears, her arms, changed her clothes, combed her hair, put powder at her back, then kissed her before I left.

I knew that I will still be seeing her the next visit. I was wrong. She died the next day.

My heart bled badly when I saw her body being carried to the crematorium. I was trying to wake myself from a nightmare, from a dream. But it was reality. A painful reality.

If only I had known that she would be gone that early, I should have given her all the happiness. She wanted to visit Singapore soon as she retires. She turned 60 six months after she died. She was denied of the material wealth. Her entire life was all for her children and grandchildren. Those were her treasures.

My mom never missed any of my graduation days, from Preparatory to Ph.D. She was the proudest of all when I received my diplomas or my awards. She was also the first to rescue me in moments of desolation. In triumphs and pains, she was my shelter.

REGRETS. Yes, if I were to live my life again, I would give the world to my mom. She should have enjoyed life. I should have laughed with her more or cried with her the most.

I envy families with their moms still alive. But more than the envy is disdain. My heart cries for mothers who shed tears on their not-so-good brood. I was not perfect either. I was also guilty of inflicting pain to the woman who carried me in her womb for nine months, loved me, took care of me. But much as I wanted to show her I’ve changed, she’s gone forever.

Why is it that we only realize the value of someone when he/she is gone? We ignore, we play deaf, we care not. Why can’t we come to our senses that life’s end is not ours to decide. Sooner or later, death will snatch them from us.

Why can’t we appreciate them while they are still alive? Why can’t we show them the same love they’re showing us while they can still feel it, see it? Do our parents really need to sacrifice for us to come to a realization that they’ve done much and yet we did so little?

I saw how helpless, how difficult it was for my siblings and my father not having “Nanay” at home. Tatay would lock himself alone in the house, in darkness; hoping that Nanay would “talk” to him.

I lost a limb. My mom was my source of strength. She was my shelter.

With mom gone, I now became their SHELTER. Thus, I need to be strong. I learned this from my mother.

Plants may wither. Years would pass. But the pain of losing someone you really love remains as painful as it is. Tears still roll. I still call my mother during those times that I was almost giving up. My heart still grieves.

If I could only live my life again….

Monday, January 17, 2011

WHEN YOU’RE HOME 24/7

December 27 to present. It’s been three weeks since I had the taste of beating the time for my log-in and counting minutes and hours waiting for the end my shift. Now, I get the feel of what they call “full time mom.”

For 15 years that I have worked, never was there a long-term vacation. The longest of which was the 2-week Christmas break. Three weeks is like three years when you’re home. You could feel the movement of the second hand of the clock; you could watch all TV programs from sun-up till sun-down; you see vehicles passing, and at the very least be able to count them (^_^); you get to know the names of your neighbors who also stay home; you’re able to visit the sari-sari stores and buy yourself something to keep you awake and alive; you wash dishes, clean the house, feed the dog and bathe him, wash and iron the clothes, cook – from breakfast to dinner- for your kids and hubby; and lastly, bade them goodbye when they go to school or work and watch the clock every now and then to see what time they’ll be home.

I have come to realize the value of time and patience.

But on the other hand, greater is the happiness and fulfillment brought by staying home and working as full time mom. I personally take care of my three-month old son, which I failed to do in my first three kids when they were still babies.

House was topsy-turvy when I was still working. Stuffs were placed anywhere that no one could recall locations when things were needed. Now that I am home, I make it a point to organize things. I know what my kids are into when they start watching TV.

Tell you, we’re all gathered up in front of our overly used LCD TV at 6:45 P.M. every day and at 5:00 P.M. every Saturday to watch Willing Willie and at 8:00 P.M. , Channel 7, the fantaserye - -Dwarfina.

There is one thing though that I lose track off when I am home – the DATE. I’ll just be reminded when I receive my bills. Oh, it’s paying time!

Sometimes, frustration creeps because I miss the old work, the job. If the others are working, why am I home? But as I look at the brighter side of life, it is then that I would realize that I get to enjoy a lot of things which others do not. Let me just cite a few:
a. It’s a vacation and a rest for me. I get to enjoy the results of my stinginess. I have saved some pennies and dimes when I was still working so I’ll have a thread to pull in case I need finances. NOW IS THE TIME! ^_^
b. No pressures!!!
c. I could attend to my kids’ needs. Do things for them.
d. I’ll be able to enjoy the moments with my 3-month old baby.
e. I could cook for them and do other household chores.
f. My house is no longer chaotic. Things are slowly being put into proper places.
g. Kids are doing their assignments religiously.
h. I could eat anytime, that’s why I am really GROWING!
i. I could be online 24/7. Yehey!!

Few months from now, I will again face another battleground. My respite from the academe will provide me the renewed strength and enthusiasm so I’ll be able to provide quality teaching to my new students regardless of how they look, how they smell, where they live, and what they know.

Though I am not a productive tax-paying citizen now, at least I get to experience the luxury of time, the freedom from deadlines, the happiness of being with my kids and my hubby. Those things are non-compensable.

My kids will only be young once. Sooner they will grow and live on their own. Who knows, they might not have the time for me when that comes.

So, let me give them the time and the attention while they still need it.

Let me enjoy the bliss of motherhood.

Saturday, February 20, 2010

PARA KAY NANAY ( Ode to my Mom)

Hindi biro ang mag dala ng bata sa sinapupunan ng siyam na buwan..
Inalagaan ko ang aking sarili sapagkat sa akin nakasalalay ang buhay mo.
Makalipas ang mga buwan, malalagay ang isang paa ko sa hukay
Darating na ang araw na ang sanggol na iniingatan, IKAW yun, ay akin nang iluluwal.

Aarugain KITA sa lahat ng aking makakaya at sa lahat ng aking lakas
Hindi ko alintana ang dibdib na papangit sapagkat alam kong kelangan MO ng gatas ng ina
Ang gabi-gabing pagpupuyat sa paghehele, pagkanta, pagsayaw, minsan paghahalu-haluin ko pa
Minsan din yukyuk na ulo sa antok kasi ayaw naman ayaw MO pang matulog..

Ang panandalian nating paghihiwalay dahil sa ako’y nasa trabaho ay malaking bigat sa dibdib ko
Mahirap mawalay kahit sandali dahil hindi ko makikita ang iyong mumunting pagtawa, ang pag ngiti mo,
Pag uwi ko, gusto ko’y kalong ka agad, akap, titignan ang mukhang nakakapalis ng pagod
Hahagudin ang iyong pisnging kay lambot, matang kay lamlam.. gutom ko ay akin nang limot..

Sa mga panahon na ikaw ay may sakit, nais koy umiyak at akuin ang iyong nararamdaman
Hindi bale ng ako na lang, wag lang ikaw. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan.
Babantayan kita sa iyong pagtulog. Hindi bale ng ako’y mapuyat
Gusto ko lamang ay ligtas ka, makakatulog ka ng tahimik at sapat.

Sa iyong paglaki, madami ka nang makakasalamuha, makikita, maririnig, malalaman.
Tangi ko lamang dasal, gabayan ka ng Diyos araw-araw, ika’y ingatan at huwag kang masaktan
Hindi mo man nais na nandiyan ako lagi sa iyong tabi sapagkat sabi mo ay MALAKI KA NA
Dala-dala mo ang puso ko, ang pag-aalala sa tuwing aalis ka, lalabas, kasama ang iba.

Sa bawat dagok na darating sa iyong buhay, bukod sa iyo, ako ang mas masasaktan
Sapagkat ikaw ay galing sa akin, laman ng aking laman, nabuo ka sa aking pagmamahal
Sa bawat agos ng luha sa iyong malamlam na mata ay parang tinatarakan ang puso ko
Hindi ko kayang makita na ikaw na iningatan ko ay paiiyakin lamang ng iba.

Ang pag-aaral mo ay igagapang ko. Maghirap man ako ay magtatapos ka sa kolehiyo.
Lahat ng pinagpapaguran ko ay para sa iyo, para sa kinabukasan mo.
Nais kong bago ako lumisan sa mundong ito, mapanatag ang loob ko
Na ang anak na iiwan ko, makakatayo sa sariling paa, may mapapatunayan sa tao.


Hindi mo man sabihin palagi na mahal mo ako, sapat ng minsan ay inaakap mo ako
Hindi mo man maalala ang regalo ko sa kaarawan ko, sapat ng sa aking batiin mo ako.
Hindi mo man ako alagaan sa panahon na ako ay may karamdaman, sapat ng bilhan ako ng gamot.
Hindi mo man ako tulungan sa gawaing bahay, sapat ng makita kitang huwag napapagod.

Huwag nating isantabi lamang ang ating INA.
Iba ang papel na ginagampanan niya sa buhay natin
Magagalit ang mundo, ang lahat ng tao sa ginawa mo
ANG INA ang matitirang kakampi mo, nandiyan sa tabi mo.

Habang nandiyan, habang nabubuhay pa, iparadam mo sa kanya
Mahalin mo siya at magpasalamat ka
Kung hindi ka niya inaruga at iningatan
Makikita mo ba ngayon ang mundong iyong ginagalawan?

Ganyan ang pagmamahal ng isang ina..
Wag kang maging bulag, pipi, at bingi sa paghihirap nya.
Balang araw kukunin siya ng Diyos at ilalayo sa iyo
Tanong: HANDA KA BANG WALA SIYA SA PILING MO?

Ako ay isang Ina..
Pumanaw naman na ang aking INA.
Hindi man sabihin, ang pagmamahal ko sa aking mga anak
Isang patunay na naging mabuti siyang Ina at napakagandang halimbawa.

Para sa iyo ito Nanay, Gng. TERESITA DALERE-MANABAT.
Isang mabait at matiising asawa, isang masipag at dedikadong guro,
Higit sa lahat
Isang napakabuting Ina...

Monday, February 8, 2010

SUNDIN MO ANG PUSO MO

Hindi isang biro ang maiwan, mang-iwan, iwanan
Ganun din ang lumisan, paglisan, at nilisan.
May dalang sakit ang paghihiwalay, may pilat na maiiwan
Subalit, hindi man natin ninais, ito ay magaganap, ginaganap, o naganap.

Sa loob ng mahabang taon ng pagsasama, sa lungkot man o ligaya
Nandiyan ang bawat isa, umaalalay, nagtutulungan, kaagapay.
Datapuwat may panahon ding nalilimutang magkaibigan, bagkus nagiging magka-away
Subalit ito’y panandalian lamang, muling mangingibabaw, pagmamahal sa bawat isa.

Minsan, gustuhin mo mang lumisan, may mga bagay na tinitignan
Mahirap iwanan ang samahan, masakit isipin hindi ka na kasama sa halakhakan.
Mga dalahin at dagok sa buhay na minsa’y tayo ay ginugupo, nilulugmok
Napapawi ang bigat sapayo ng kaibigan na mahal kang lubos.

Ngunit, minsan kahipat ayaw mo mang iwan ang mga kaibigan, ninanais mo ding lumisan
Maghahanap ng panibagong pakikipagsapalaran
Kapag nararamdaman nang hubad ang puso sa kasabikan
Mahirap dayain ang kalooban, sapagkat hindi nababayadan ang kaligahayan.

Sa panahon ng pag-iisip, pagmumuni-muni, at paninimbang
Ano nga ba ang dapat mangibabaw?
Iisipin mo pa ba ang mga bagay na iyong maiiwan,
O mas iisipin mo, na sa iyong paghahanap ng kapalaran eh ano naman ang iyong daratnan.

Sa ngayon na kayraming walang pinagkakakitaan, hindi ka ba magiging praktikal?
Oportunidad na yan, bakit mo iiwan at aalisan?
Salapi nga ba, mas mataas na bayaran o personal ang iyong dahilan?
O prinsipyo na hindi kayang tumabasan ng ano mang halaga at anumang katwiran?

May mga taong ang nais ay pumuna ng mali ng iba
Hindi muna tignan dumi sa kanilang mukha at ang mga muta sa kanilang mata.
Ika nga eh, sino mang walang kasalanan ay siyang unang bumato
Ngayon kaibigan, adobe ba ang dala mo?

Tutuo nga din na sa dinami dami ng ginawa mong tama
Pag nagkamali, matatanggap mo’y sandamukal na alipusta.
Kapag ikaw naman ay namumunga sa ganda ng iyong ginagawa
Pipilitin kang ibagsak, hihilahin ka pababa.

Tao lamang daw sila, yan ang kanilang rason
Tao din naman ako, yan naman ang aking tugon.
Hindi ba’t kapag maayos ang iyong nakikita, purihin at batiin naman ang iyong kasama
Huwag gawan ng kwento, hanapan ng kahinaan, at siraan sa tao.

Matuwa ka naman sa mga taong kaakibat mo sa pagtratrabaho
Dahil kasama sila sa bumubuo ng isang establisyimento.
Adhikain mo sa kumpanya, ganun din naman sila
Gusto mo nga lang, walang ibang magaling kundi ikaw na mag-isa.

Iba-iba ang kwento ng tao, may nakakatuwa, may nakakatawa.
Meron din namang nakakainis, nakakauyam, at nakakasawa.
Ito ang buhay, laging may mga panira, sinisira, nasira
Kaya naman may mga taong aalis, umaalis, at umalis na.

Sa bawat desisyon, laging may apektado
Natural, hindi naman lahat binibigay sa tao.
Sa pagpili mo, meron kang maisasakripisyo,
Ang tanong, handa ka ba dito?

Sa bandang huli mahal kong kaibigan
Sarili mo pa din dapat mong pakinggan.
Marami kang payong maririnig, malalaman
Subalit ang maghahari pa din sarili mong kagustuhan.

Kagustuhang binase sa mga nakikita at nagaganap
Sa mga nararamdaman, bulungan, at usapan.
Huwag mong hayaang madiktahan ng iba,
Sa ganitong panahon, dapat PUSO MO ang manguna.

Humayo ka kaibigan,tahakin ang iyong bagong kalaparan
Ipapanalangin kong mahanap mo tagumpay at kapayapaan.
Sa iyong pag-alis, malulungkot ako,
sapagkat bahagi ng puso ko ay dala-dala mo.

Subalit, huwag kang mag-alala kaibigan ko.
Ipinapangako ko,
Magkikita pa din tayo.
Balang araw, susundin ko din ang PUSO ko...

Saturday, January 30, 2010

HIKBI NG PUSO

Bakit nga ba minsan ay kailangang magpaalam kahit alam mong hindi mo siya dapat iwan?

May lungkot na dala ang bawat paghihiwalay.
May aral na mapupulot sa bawat paglisan.
May kirot sa puso ang pamamaalam.
May pilat na makikita sa mga iniwan.

Sa mahabang panahon ng ating pinagsamahan
Masaya man o malungkot, ikaw laging kaagapay
Sa aking pag-iyak , ikaw ay kasabay
Sa aking galak, ngiti mo’y kay tunay.

Nasanay akong lagi kang nanjan
Bagaman hindi madalas ang usapan
Damdamin ng isa’t isay nararamdaman
Ala mang mamutawi sa ating bibig
Naririnig kabog ng bawat dibdib.

Hindi mo man arok, malaki ang iyong iiwan
Mga taong binigyan mo ng pagkakataong sarili’y mapatunayan
Mga taong nung una’y tuldok lamang at ordinaryo
Ngayo’y nagkapangalan at napatunayang kayang lumaban sa mundo.

Naaalala mo pa ba mga panahong ako’y tulala
Tuliro, hirap, magulo sa dami ng problema
Damdami’y napayapa ng iyong mga salita
Kalooba’y nakalma, mga luha sa mata’y napalis na.

Hinding hindi ko malilimutan kay tamis mong himig
Habang tinatawag pangalan ko ng may pangungulit
MARIA CRISTINA FALLS! Yan ang iyong bansag sa akin
Unique ika nga... Nakakatuwa, kay sarap dinggin.

Kasama kitang bumuo ng pangarap para sa aking mga anak
Kasama kitang nalulungkot pag sila’y may karamdaman
Ang mga pagliban dahil sa mga anak iyong naiintidihan
Lagi mong sinasabing “AKO’Y NANAY DIN NAMAN.”

Mabigat sa puso ang iyong pamamalaam
Sapagkat ikaw ay bahagi na ng aming buhay
Ma mi miss ko ang pangalan kong iyong tinatawag
Hahanap hanapin din namin makulit mong halakhak.

CJN, nakaukit sa puso ko iyong pangalan
Tatandaan ko lahat ng iyong pangaral
Magiging mabuti akong ina
Kahit lagpak ako bilang asawa.

Muli, nais kong iparating sayo aking pasasalamat
Sa lahat ng iyong payo, patnubay at gabay
Maswerte ako at sa buhay kong ito
Nagkaron ako ng bahagi sa buhay mo.

Malalayo ka man sa amin, ito’y pampisikal lang
Alam naming sa iyong puso kami pa din ay nandiyan
Patuloy ka nawang basbasan ng Diyos sa iyong kabutihan
Tayo’y magkikita pa din balang-araw mahal kong kaibigan.

Thursday, January 28, 2010

BUHAY PAG-IBIG --- ANG TUGON NI OPENG

ITO AY ISANG TUGON SA AKING POST NA BUHAY PAG-IBIG.. HINDI DAW PATAS ANG MGA BINTANG AT PARATANG.. BAKIT LAGING LALAKE.. BAKIT LAGING SILA ANG NASISISI SA HULI... BAKIT SILA LAGI ANG MALI... NARITO, BASAHIN ANG KANYANG AKDA.. ATING NAMNAMIN.. TALAGA NGA BANG MAY PUNTO SIYA O KATULAD NG DATI, PALUSOT LANG NIYA??


Pinagtagpi tagping dahilan at pangangatwiran ng laging napagbibintangan, sinasabihang nanloloko, at lagi pinapalabas na sanhi ng sama ng loob at isipan ng mga iniiwanan. ‘wag mong ituloy ang pagbabasa kung sa tingin mong tatamaan ka. Tapos sasabihin mong ako nanaman ang masama, at ikaw ang biktima?

Akala mo ba ikaw lang ang nagmahal? Ang nagmamahal? At magmamahal? Aminin mo na kasi na naging imba tayong dalawa. Nag-enjoy ka naman di ba?

Inagaw ba ako o ipinamigay mo? Ayan ka nanaman sa katwiran mo. Ako ang nanloko at ikaw lagi ang niloko? Tao ka, tao ako. Kaya kong manloko, ikaw? Santa? Basura nga ako sa’yo, ginto naman sa tunay na mahal ko.

Tama yan, magsama kayong dalawa. Darating ang panahon, iiwanan ka rin n’ya. Maiinintindihan ko kung di ka nya maiintindihan.

Keep on hoping, keep on dreaming. Kapag di ka kasi pinansin, isa lang ang ibig sabihin. Hindi ka kapansin pansin. Kapag di ka minahal. Hindi ka kamahal mahal. Simple lang di ba?

Hindi ka ba talaga makaramdam? When I say stop, stop! Specially when you’re talking a lot. Nakakarindi, nakakatorete.

Nang iniwan mo ako, I found someone better. Kapag iniwan ako ng kapalit mo, sasabihin nya, again, I found someone better. Salamat sa inyong dalawa, hindi man perpekto ang nahanap ko, respeto lang naman kasi ang kailangan ko.

Nakalimutan ko ba? Pasensya na ha. Isa lang kasi ang inaalala ko, ang kalimutan kong gawin ang mga bagay na inaasahan mo. Tagal mo kasing makaramdam, dial-up ba koneksyon mo? DSL i-try mo.

Wag kang mag-alala, dati naman naging clown ka rin ng buhay ko. Akala ko kasi magiging masaya akong kasama ka, di ko naman kasi akalain na bababangungutin akong kapiling ka.

Ang sarap mo ngang magmahal. Kumpleto sa rekado. Minsan matamis, minsan maalat. May oras na maasim, may araw na mapait. Ang anghang mong magmahal. Para mo ‘kong sinasakal.

Kapag ikaw ay iniyakan ng babae, may bago ba? Parang lahat naman ng bagay umiiyak sila. Kapag lalaki ang umiyak, hindi lang mata ang lumuluha. Kundi puso at kaluluwa nila.

Ako nanaman ba? Masdan mo nga ang nasa paligid mo, sama mo na rin sarili mo. Lokohan ba? Bulag ka na ba at di mo nakikita?

Nakita ko rin ang ex mo kanina. Mabuti naman at natauhan ka na. Nakakatuwa ka talaga. Hindi pala. Nakakatawa ka.

Kaya naman pala hindi tayo magkasundo, mas mahal mo kasi ang sarili mo. Ok lang naman mahalin ang sarili, pero kung 30% din lang naman ang ibibigay mo sa akin, mabuti pang wag na lang. Ayoko kasing mabitin.

Salamat at pinatulan mo ang isang hamak na tulad ko. Ang ganda ganda mo. Pero bakit nagkaganito? Aking napagtanto, ang sinasabi ng aking mga ninuno. “Mag-ingat sa panlabas na anyo, dahil baka ito’y isang balatkayo”

Natauhan ka pala, mabuti na lang. Mas matagal kasi akong nagising sa katotohanang hindi ako sa iyo ay bagay. Siguro ganun talaga ang pakiramdam ng isang taong tunay na nagmamahal.

Pwede pwede pwede. Di ikaw na rin ang nagsabi. Lahat ng bagay, pwedeng mangyari. Bakit ka ngayon nag-iinarte?

Paalam na sa iyo dahil nagpagmuni muni ko na walang patutungan ang paglalaro nating ito. Sino bang nakinabang, hindi ba’t tayong dalawa din naman?

Stupid na nga kung stupid. Pag sinabi kong uminom ako, lasenggo na. Pag napatingin sa iba, babaero na. Ngayon, pati ba naman pag se-share ko ng stat sa facebook, mamasamain mo pa? Emo ba kamo? O imba?

Ako, hindi ko pipigilang maluha sa tuwing ako’y masasaktan. Ang luha ko ang patunay ng aking pakikipaglaban sa buhay. Masaya man o puno ng lumbay. Naniniwala akong isang araw makaka-GG din ako sa piling ng aking mahal.

>>>>>>>>>>>>

DIYAN NAGTATAPOS ANG KANYANG ARGUMENTO.. MAY KASUNOD PA KAYA ITO? PAPAYAG KAYA AKONG DITO NA MATAPOS ITO?? ABANGAN.. ABANGAN...

Wednesday, January 27, 2010

SOLVING THE MAN+WOMAN EQUATION

THE MAN + WOMAN EQUATIONS

Smart man + smart woman = romance
Smart man + dumb woman = pregnancy
Dumb man + smart woman = affair
Dumb man + dumb woman = Marriage
Smart boss + smart employee = profit
Smart boss + dumb employee = production
Dumb boss + smart employee = promotion
Dumb boss + dumb employee = overtime

GENDER ISSUES:

A man will pay P2.00 for a P1.00 item he needs.
A woman will pay P1.00 for a P2.00 item she doesn’t need.

A woman worries about the future until she gets a husband.
A man never worries about the future until he gets a wife.

A successful man is one who makes more money that his wife can spend.
A successful woman is one who can find such a man.

To be happy with a man, you must understand him a lot and love him a little.
To be happy with a woman, you must love her a lot and not try to understand her at all.

A woman marries a man expecting he will change, but he doesn’t.
A man marries a woman expecting that she won’t change, and she does.

A woman has the last word in any argument.
Anything a man says after that is the beginning of a new argument.

From: Emy Liwag of Ateneo Psychology Department and Tat Buhay Murillo of UP Los Banos, and Physics Instructor Marco Changho