Hindi isang biro ang maiwan, mang-iwan, iwanan
Ganun din ang lumisan, paglisan, at nilisan.
May dalang sakit ang paghihiwalay, may pilat na maiiwan
Subalit, hindi man natin ninais, ito ay magaganap, ginaganap, o naganap.
Sa loob ng mahabang taon ng pagsasama, sa lungkot man o ligaya
Nandiyan ang bawat isa, umaalalay, nagtutulungan, kaagapay.
Datapuwat may panahon ding nalilimutang magkaibigan, bagkus nagiging magka-away
Subalit ito’y panandalian lamang, muling mangingibabaw, pagmamahal sa bawat isa.
Minsan, gustuhin mo mang lumisan, may mga bagay na tinitignan
Mahirap iwanan ang samahan, masakit isipin hindi ka na kasama sa halakhakan.
Mga dalahin at dagok sa buhay na minsa’y tayo ay ginugupo, nilulugmok
Napapawi ang bigat sapayo ng kaibigan na mahal kang lubos.
Ngunit, minsan kahipat ayaw mo mang iwan ang mga kaibigan, ninanais mo ding lumisan
Maghahanap ng panibagong pakikipagsapalaran
Kapag nararamdaman nang hubad ang puso sa kasabikan
Mahirap dayain ang kalooban, sapagkat hindi nababayadan ang kaligahayan.
Sa panahon ng pag-iisip, pagmumuni-muni, at paninimbang
Ano nga ba ang dapat mangibabaw?
Iisipin mo pa ba ang mga bagay na iyong maiiwan,
O mas iisipin mo, na sa iyong paghahanap ng kapalaran eh ano naman ang iyong daratnan.
Sa ngayon na kayraming walang pinagkakakitaan, hindi ka ba magiging praktikal?
Oportunidad na yan, bakit mo iiwan at aalisan?
Salapi nga ba, mas mataas na bayaran o personal ang iyong dahilan?
O prinsipyo na hindi kayang tumabasan ng ano mang halaga at anumang katwiran?
May mga taong ang nais ay pumuna ng mali ng iba
Hindi muna tignan dumi sa kanilang mukha at ang mga muta sa kanilang mata.
Ika nga eh, sino mang walang kasalanan ay siyang unang bumato
Ngayon kaibigan, adobe ba ang dala mo?
Tutuo nga din na sa dinami dami ng ginawa mong tama
Pag nagkamali, matatanggap mo’y sandamukal na alipusta.
Kapag ikaw naman ay namumunga sa ganda ng iyong ginagawa
Pipilitin kang ibagsak, hihilahin ka pababa.
Tao lamang daw sila, yan ang kanilang rason
Tao din naman ako, yan naman ang aking tugon.
Hindi ba’t kapag maayos ang iyong nakikita, purihin at batiin naman ang iyong kasama
Huwag gawan ng kwento, hanapan ng kahinaan, at siraan sa tao.
Matuwa ka naman sa mga taong kaakibat mo sa pagtratrabaho
Dahil kasama sila sa bumubuo ng isang establisyimento.
Adhikain mo sa kumpanya, ganun din naman sila
Gusto mo nga lang, walang ibang magaling kundi ikaw na mag-isa.
Iba-iba ang kwento ng tao, may nakakatuwa, may nakakatawa.
Meron din namang nakakainis, nakakauyam, at nakakasawa.
Ito ang buhay, laging may mga panira, sinisira, nasira
Kaya naman may mga taong aalis, umaalis, at umalis na.
Sa bawat desisyon, laging may apektado
Natural, hindi naman lahat binibigay sa tao.
Sa pagpili mo, meron kang maisasakripisyo,
Ang tanong, handa ka ba dito?
Sa bandang huli mahal kong kaibigan
Sarili mo pa din dapat mong pakinggan.
Marami kang payong maririnig, malalaman
Subalit ang maghahari pa din sarili mong kagustuhan.
Kagustuhang binase sa mga nakikita at nagaganap
Sa mga nararamdaman, bulungan, at usapan.
Huwag mong hayaang madiktahan ng iba,
Sa ganitong panahon, dapat PUSO MO ang manguna.
Humayo ka kaibigan,tahakin ang iyong bagong kalaparan
Ipapanalangin kong mahanap mo tagumpay at kapayapaan.
Sa iyong pag-alis, malulungkot ako,
sapagkat bahagi ng puso ko ay dala-dala mo.
Subalit, huwag kang mag-alala kaibigan ko.
Ipinapangako ko,
Magkikita pa din tayo.
Balang araw, susundin ko din ang PUSO ko...
Showing posts with label paglisan. Show all posts
Showing posts with label paglisan. Show all posts
Monday, February 8, 2010
Saturday, January 30, 2010
HIKBI NG PUSO
Bakit nga ba minsan ay kailangang magpaalam kahit alam mong hindi mo siya dapat iwan?
May lungkot na dala ang bawat paghihiwalay.
May aral na mapupulot sa bawat paglisan.
May kirot sa puso ang pamamaalam.
May pilat na makikita sa mga iniwan.
Sa mahabang panahon ng ating pinagsamahan
Masaya man o malungkot, ikaw laging kaagapay
Sa aking pag-iyak , ikaw ay kasabay
Sa aking galak, ngiti mo’y kay tunay.
Nasanay akong lagi kang nanjan
Bagaman hindi madalas ang usapan
Damdamin ng isa’t isay nararamdaman
Ala mang mamutawi sa ating bibig
Naririnig kabog ng bawat dibdib.
Hindi mo man arok, malaki ang iyong iiwan
Mga taong binigyan mo ng pagkakataong sarili’y mapatunayan
Mga taong nung una’y tuldok lamang at ordinaryo
Ngayo’y nagkapangalan at napatunayang kayang lumaban sa mundo.
Naaalala mo pa ba mga panahong ako’y tulala
Tuliro, hirap, magulo sa dami ng problema
Damdami’y napayapa ng iyong mga salita
Kalooba’y nakalma, mga luha sa mata’y napalis na.
Hinding hindi ko malilimutan kay tamis mong himig
Habang tinatawag pangalan ko ng may pangungulit
MARIA CRISTINA FALLS! Yan ang iyong bansag sa akin
Unique ika nga... Nakakatuwa, kay sarap dinggin.
Kasama kitang bumuo ng pangarap para sa aking mga anak
Kasama kitang nalulungkot pag sila’y may karamdaman
Ang mga pagliban dahil sa mga anak iyong naiintidihan
Lagi mong sinasabing “AKO’Y NANAY DIN NAMAN.”
Mabigat sa puso ang iyong pamamalaam
Sapagkat ikaw ay bahagi na ng aming buhay
Ma mi miss ko ang pangalan kong iyong tinatawag
Hahanap hanapin din namin makulit mong halakhak.
CJN, nakaukit sa puso ko iyong pangalan
Tatandaan ko lahat ng iyong pangaral
Magiging mabuti akong ina
Kahit lagpak ako bilang asawa.
Muli, nais kong iparating sayo aking pasasalamat
Sa lahat ng iyong payo, patnubay at gabay
Maswerte ako at sa buhay kong ito
Nagkaron ako ng bahagi sa buhay mo.
Malalayo ka man sa amin, ito’y pampisikal lang
Alam naming sa iyong puso kami pa din ay nandiyan
Patuloy ka nawang basbasan ng Diyos sa iyong kabutihan
Tayo’y magkikita pa din balang-araw mahal kong kaibigan.

Labels:
pag-alis,
paghihiwalay,
paglisan,
pasasalamat,
puso
Subscribe to:
Posts (Atom)