Thursday, January 28, 2010

BUHAY PAG-IBIG --- ANG TUGON NI OPENG

ITO AY ISANG TUGON SA AKING POST NA BUHAY PAG-IBIG.. HINDI DAW PATAS ANG MGA BINTANG AT PARATANG.. BAKIT LAGING LALAKE.. BAKIT LAGING SILA ANG NASISISI SA HULI... BAKIT SILA LAGI ANG MALI... NARITO, BASAHIN ANG KANYANG AKDA.. ATING NAMNAMIN.. TALAGA NGA BANG MAY PUNTO SIYA O KATULAD NG DATI, PALUSOT LANG NIYA??


Pinagtagpi tagping dahilan at pangangatwiran ng laging napagbibintangan, sinasabihang nanloloko, at lagi pinapalabas na sanhi ng sama ng loob at isipan ng mga iniiwanan. ‘wag mong ituloy ang pagbabasa kung sa tingin mong tatamaan ka. Tapos sasabihin mong ako nanaman ang masama, at ikaw ang biktima?

Akala mo ba ikaw lang ang nagmahal? Ang nagmamahal? At magmamahal? Aminin mo na kasi na naging imba tayong dalawa. Nag-enjoy ka naman di ba?

Inagaw ba ako o ipinamigay mo? Ayan ka nanaman sa katwiran mo. Ako ang nanloko at ikaw lagi ang niloko? Tao ka, tao ako. Kaya kong manloko, ikaw? Santa? Basura nga ako sa’yo, ginto naman sa tunay na mahal ko.

Tama yan, magsama kayong dalawa. Darating ang panahon, iiwanan ka rin n’ya. Maiinintindihan ko kung di ka nya maiintindihan.

Keep on hoping, keep on dreaming. Kapag di ka kasi pinansin, isa lang ang ibig sabihin. Hindi ka kapansin pansin. Kapag di ka minahal. Hindi ka kamahal mahal. Simple lang di ba?

Hindi ka ba talaga makaramdam? When I say stop, stop! Specially when you’re talking a lot. Nakakarindi, nakakatorete.

Nang iniwan mo ako, I found someone better. Kapag iniwan ako ng kapalit mo, sasabihin nya, again, I found someone better. Salamat sa inyong dalawa, hindi man perpekto ang nahanap ko, respeto lang naman kasi ang kailangan ko.

Nakalimutan ko ba? Pasensya na ha. Isa lang kasi ang inaalala ko, ang kalimutan kong gawin ang mga bagay na inaasahan mo. Tagal mo kasing makaramdam, dial-up ba koneksyon mo? DSL i-try mo.

Wag kang mag-alala, dati naman naging clown ka rin ng buhay ko. Akala ko kasi magiging masaya akong kasama ka, di ko naman kasi akalain na bababangungutin akong kapiling ka.

Ang sarap mo ngang magmahal. Kumpleto sa rekado. Minsan matamis, minsan maalat. May oras na maasim, may araw na mapait. Ang anghang mong magmahal. Para mo ‘kong sinasakal.

Kapag ikaw ay iniyakan ng babae, may bago ba? Parang lahat naman ng bagay umiiyak sila. Kapag lalaki ang umiyak, hindi lang mata ang lumuluha. Kundi puso at kaluluwa nila.

Ako nanaman ba? Masdan mo nga ang nasa paligid mo, sama mo na rin sarili mo. Lokohan ba? Bulag ka na ba at di mo nakikita?

Nakita ko rin ang ex mo kanina. Mabuti naman at natauhan ka na. Nakakatuwa ka talaga. Hindi pala. Nakakatawa ka.

Kaya naman pala hindi tayo magkasundo, mas mahal mo kasi ang sarili mo. Ok lang naman mahalin ang sarili, pero kung 30% din lang naman ang ibibigay mo sa akin, mabuti pang wag na lang. Ayoko kasing mabitin.

Salamat at pinatulan mo ang isang hamak na tulad ko. Ang ganda ganda mo. Pero bakit nagkaganito? Aking napagtanto, ang sinasabi ng aking mga ninuno. “Mag-ingat sa panlabas na anyo, dahil baka ito’y isang balatkayo”

Natauhan ka pala, mabuti na lang. Mas matagal kasi akong nagising sa katotohanang hindi ako sa iyo ay bagay. Siguro ganun talaga ang pakiramdam ng isang taong tunay na nagmamahal.

Pwede pwede pwede. Di ikaw na rin ang nagsabi. Lahat ng bagay, pwedeng mangyari. Bakit ka ngayon nag-iinarte?

Paalam na sa iyo dahil nagpagmuni muni ko na walang patutungan ang paglalaro nating ito. Sino bang nakinabang, hindi ba’t tayong dalawa din naman?

Stupid na nga kung stupid. Pag sinabi kong uminom ako, lasenggo na. Pag napatingin sa iba, babaero na. Ngayon, pati ba naman pag se-share ko ng stat sa facebook, mamasamain mo pa? Emo ba kamo? O imba?

Ako, hindi ko pipigilang maluha sa tuwing ako’y masasaktan. Ang luha ko ang patunay ng aking pakikipaglaban sa buhay. Masaya man o puno ng lumbay. Naniniwala akong isang araw makaka-GG din ako sa piling ng aking mahal.

>>>>>>>>>>>>

DIYAN NAGTATAPOS ANG KANYANG ARGUMENTO.. MAY KASUNOD PA KAYA ITO? PAPAYAG KAYA AKONG DITO NA MATAPOS ITO?? ABANGAN.. ABANGAN...

No comments:

Post a Comment