Saturday, February 20, 2010

PARA KAY NANAY ( Ode to my Mom)

Hindi biro ang mag dala ng bata sa sinapupunan ng siyam na buwan..
Inalagaan ko ang aking sarili sapagkat sa akin nakasalalay ang buhay mo.
Makalipas ang mga buwan, malalagay ang isang paa ko sa hukay
Darating na ang araw na ang sanggol na iniingatan, IKAW yun, ay akin nang iluluwal.

Aarugain KITA sa lahat ng aking makakaya at sa lahat ng aking lakas
Hindi ko alintana ang dibdib na papangit sapagkat alam kong kelangan MO ng gatas ng ina
Ang gabi-gabing pagpupuyat sa paghehele, pagkanta, pagsayaw, minsan paghahalu-haluin ko pa
Minsan din yukyuk na ulo sa antok kasi ayaw naman ayaw MO pang matulog..

Ang panandalian nating paghihiwalay dahil sa ako’y nasa trabaho ay malaking bigat sa dibdib ko
Mahirap mawalay kahit sandali dahil hindi ko makikita ang iyong mumunting pagtawa, ang pag ngiti mo,
Pag uwi ko, gusto ko’y kalong ka agad, akap, titignan ang mukhang nakakapalis ng pagod
Hahagudin ang iyong pisnging kay lambot, matang kay lamlam.. gutom ko ay akin nang limot..

Sa mga panahon na ikaw ay may sakit, nais koy umiyak at akuin ang iyong nararamdaman
Hindi bale ng ako na lang, wag lang ikaw. Hindi ko kayang makita kang nahihirapan.
Babantayan kita sa iyong pagtulog. Hindi bale ng ako’y mapuyat
Gusto ko lamang ay ligtas ka, makakatulog ka ng tahimik at sapat.

Sa iyong paglaki, madami ka nang makakasalamuha, makikita, maririnig, malalaman.
Tangi ko lamang dasal, gabayan ka ng Diyos araw-araw, ika’y ingatan at huwag kang masaktan
Hindi mo man nais na nandiyan ako lagi sa iyong tabi sapagkat sabi mo ay MALAKI KA NA
Dala-dala mo ang puso ko, ang pag-aalala sa tuwing aalis ka, lalabas, kasama ang iba.

Sa bawat dagok na darating sa iyong buhay, bukod sa iyo, ako ang mas masasaktan
Sapagkat ikaw ay galing sa akin, laman ng aking laman, nabuo ka sa aking pagmamahal
Sa bawat agos ng luha sa iyong malamlam na mata ay parang tinatarakan ang puso ko
Hindi ko kayang makita na ikaw na iningatan ko ay paiiyakin lamang ng iba.

Ang pag-aaral mo ay igagapang ko. Maghirap man ako ay magtatapos ka sa kolehiyo.
Lahat ng pinagpapaguran ko ay para sa iyo, para sa kinabukasan mo.
Nais kong bago ako lumisan sa mundong ito, mapanatag ang loob ko
Na ang anak na iiwan ko, makakatayo sa sariling paa, may mapapatunayan sa tao.


Hindi mo man sabihin palagi na mahal mo ako, sapat ng minsan ay inaakap mo ako
Hindi mo man maalala ang regalo ko sa kaarawan ko, sapat ng sa aking batiin mo ako.
Hindi mo man ako alagaan sa panahon na ako ay may karamdaman, sapat ng bilhan ako ng gamot.
Hindi mo man ako tulungan sa gawaing bahay, sapat ng makita kitang huwag napapagod.

Huwag nating isantabi lamang ang ating INA.
Iba ang papel na ginagampanan niya sa buhay natin
Magagalit ang mundo, ang lahat ng tao sa ginawa mo
ANG INA ang matitirang kakampi mo, nandiyan sa tabi mo.

Habang nandiyan, habang nabubuhay pa, iparadam mo sa kanya
Mahalin mo siya at magpasalamat ka
Kung hindi ka niya inaruga at iningatan
Makikita mo ba ngayon ang mundong iyong ginagalawan?

Ganyan ang pagmamahal ng isang ina..
Wag kang maging bulag, pipi, at bingi sa paghihirap nya.
Balang araw kukunin siya ng Diyos at ilalayo sa iyo
Tanong: HANDA KA BANG WALA SIYA SA PILING MO?

Ako ay isang Ina..
Pumanaw naman na ang aking INA.
Hindi man sabihin, ang pagmamahal ko sa aking mga anak
Isang patunay na naging mabuti siyang Ina at napakagandang halimbawa.

Para sa iyo ito Nanay, Gng. TERESITA DALERE-MANABAT.
Isang mabait at matiising asawa, isang masipag at dedikadong guro,
Higit sa lahat
Isang napakabuting Ina...

Monday, February 8, 2010

SUNDIN MO ANG PUSO MO

Hindi isang biro ang maiwan, mang-iwan, iwanan
Ganun din ang lumisan, paglisan, at nilisan.
May dalang sakit ang paghihiwalay, may pilat na maiiwan
Subalit, hindi man natin ninais, ito ay magaganap, ginaganap, o naganap.

Sa loob ng mahabang taon ng pagsasama, sa lungkot man o ligaya
Nandiyan ang bawat isa, umaalalay, nagtutulungan, kaagapay.
Datapuwat may panahon ding nalilimutang magkaibigan, bagkus nagiging magka-away
Subalit ito’y panandalian lamang, muling mangingibabaw, pagmamahal sa bawat isa.

Minsan, gustuhin mo mang lumisan, may mga bagay na tinitignan
Mahirap iwanan ang samahan, masakit isipin hindi ka na kasama sa halakhakan.
Mga dalahin at dagok sa buhay na minsa’y tayo ay ginugupo, nilulugmok
Napapawi ang bigat sapayo ng kaibigan na mahal kang lubos.

Ngunit, minsan kahipat ayaw mo mang iwan ang mga kaibigan, ninanais mo ding lumisan
Maghahanap ng panibagong pakikipagsapalaran
Kapag nararamdaman nang hubad ang puso sa kasabikan
Mahirap dayain ang kalooban, sapagkat hindi nababayadan ang kaligahayan.

Sa panahon ng pag-iisip, pagmumuni-muni, at paninimbang
Ano nga ba ang dapat mangibabaw?
Iisipin mo pa ba ang mga bagay na iyong maiiwan,
O mas iisipin mo, na sa iyong paghahanap ng kapalaran eh ano naman ang iyong daratnan.

Sa ngayon na kayraming walang pinagkakakitaan, hindi ka ba magiging praktikal?
Oportunidad na yan, bakit mo iiwan at aalisan?
Salapi nga ba, mas mataas na bayaran o personal ang iyong dahilan?
O prinsipyo na hindi kayang tumabasan ng ano mang halaga at anumang katwiran?

May mga taong ang nais ay pumuna ng mali ng iba
Hindi muna tignan dumi sa kanilang mukha at ang mga muta sa kanilang mata.
Ika nga eh, sino mang walang kasalanan ay siyang unang bumato
Ngayon kaibigan, adobe ba ang dala mo?

Tutuo nga din na sa dinami dami ng ginawa mong tama
Pag nagkamali, matatanggap mo’y sandamukal na alipusta.
Kapag ikaw naman ay namumunga sa ganda ng iyong ginagawa
Pipilitin kang ibagsak, hihilahin ka pababa.

Tao lamang daw sila, yan ang kanilang rason
Tao din naman ako, yan naman ang aking tugon.
Hindi ba’t kapag maayos ang iyong nakikita, purihin at batiin naman ang iyong kasama
Huwag gawan ng kwento, hanapan ng kahinaan, at siraan sa tao.

Matuwa ka naman sa mga taong kaakibat mo sa pagtratrabaho
Dahil kasama sila sa bumubuo ng isang establisyimento.
Adhikain mo sa kumpanya, ganun din naman sila
Gusto mo nga lang, walang ibang magaling kundi ikaw na mag-isa.

Iba-iba ang kwento ng tao, may nakakatuwa, may nakakatawa.
Meron din namang nakakainis, nakakauyam, at nakakasawa.
Ito ang buhay, laging may mga panira, sinisira, nasira
Kaya naman may mga taong aalis, umaalis, at umalis na.

Sa bawat desisyon, laging may apektado
Natural, hindi naman lahat binibigay sa tao.
Sa pagpili mo, meron kang maisasakripisyo,
Ang tanong, handa ka ba dito?

Sa bandang huli mahal kong kaibigan
Sarili mo pa din dapat mong pakinggan.
Marami kang payong maririnig, malalaman
Subalit ang maghahari pa din sarili mong kagustuhan.

Kagustuhang binase sa mga nakikita at nagaganap
Sa mga nararamdaman, bulungan, at usapan.
Huwag mong hayaang madiktahan ng iba,
Sa ganitong panahon, dapat PUSO MO ang manguna.

Humayo ka kaibigan,tahakin ang iyong bagong kalaparan
Ipapanalangin kong mahanap mo tagumpay at kapayapaan.
Sa iyong pag-alis, malulungkot ako,
sapagkat bahagi ng puso ko ay dala-dala mo.

Subalit, huwag kang mag-alala kaibigan ko.
Ipinapangako ko,
Magkikita pa din tayo.
Balang araw, susundin ko din ang PUSO ko...

Saturday, January 30, 2010

HIKBI NG PUSO

Bakit nga ba minsan ay kailangang magpaalam kahit alam mong hindi mo siya dapat iwan?

May lungkot na dala ang bawat paghihiwalay.
May aral na mapupulot sa bawat paglisan.
May kirot sa puso ang pamamaalam.
May pilat na makikita sa mga iniwan.

Sa mahabang panahon ng ating pinagsamahan
Masaya man o malungkot, ikaw laging kaagapay
Sa aking pag-iyak , ikaw ay kasabay
Sa aking galak, ngiti mo’y kay tunay.

Nasanay akong lagi kang nanjan
Bagaman hindi madalas ang usapan
Damdamin ng isa’t isay nararamdaman
Ala mang mamutawi sa ating bibig
Naririnig kabog ng bawat dibdib.

Hindi mo man arok, malaki ang iyong iiwan
Mga taong binigyan mo ng pagkakataong sarili’y mapatunayan
Mga taong nung una’y tuldok lamang at ordinaryo
Ngayo’y nagkapangalan at napatunayang kayang lumaban sa mundo.

Naaalala mo pa ba mga panahong ako’y tulala
Tuliro, hirap, magulo sa dami ng problema
Damdami’y napayapa ng iyong mga salita
Kalooba’y nakalma, mga luha sa mata’y napalis na.

Hinding hindi ko malilimutan kay tamis mong himig
Habang tinatawag pangalan ko ng may pangungulit
MARIA CRISTINA FALLS! Yan ang iyong bansag sa akin
Unique ika nga... Nakakatuwa, kay sarap dinggin.

Kasama kitang bumuo ng pangarap para sa aking mga anak
Kasama kitang nalulungkot pag sila’y may karamdaman
Ang mga pagliban dahil sa mga anak iyong naiintidihan
Lagi mong sinasabing “AKO’Y NANAY DIN NAMAN.”

Mabigat sa puso ang iyong pamamalaam
Sapagkat ikaw ay bahagi na ng aming buhay
Ma mi miss ko ang pangalan kong iyong tinatawag
Hahanap hanapin din namin makulit mong halakhak.

CJN, nakaukit sa puso ko iyong pangalan
Tatandaan ko lahat ng iyong pangaral
Magiging mabuti akong ina
Kahit lagpak ako bilang asawa.

Muli, nais kong iparating sayo aking pasasalamat
Sa lahat ng iyong payo, patnubay at gabay
Maswerte ako at sa buhay kong ito
Nagkaron ako ng bahagi sa buhay mo.

Malalayo ka man sa amin, ito’y pampisikal lang
Alam naming sa iyong puso kami pa din ay nandiyan
Patuloy ka nawang basbasan ng Diyos sa iyong kabutihan
Tayo’y magkikita pa din balang-araw mahal kong kaibigan.

Thursday, January 28, 2010

BUHAY PAG-IBIG --- ANG TUGON NI OPENG

ITO AY ISANG TUGON SA AKING POST NA BUHAY PAG-IBIG.. HINDI DAW PATAS ANG MGA BINTANG AT PARATANG.. BAKIT LAGING LALAKE.. BAKIT LAGING SILA ANG NASISISI SA HULI... BAKIT SILA LAGI ANG MALI... NARITO, BASAHIN ANG KANYANG AKDA.. ATING NAMNAMIN.. TALAGA NGA BANG MAY PUNTO SIYA O KATULAD NG DATI, PALUSOT LANG NIYA??


Pinagtagpi tagping dahilan at pangangatwiran ng laging napagbibintangan, sinasabihang nanloloko, at lagi pinapalabas na sanhi ng sama ng loob at isipan ng mga iniiwanan. ‘wag mong ituloy ang pagbabasa kung sa tingin mong tatamaan ka. Tapos sasabihin mong ako nanaman ang masama, at ikaw ang biktima?

Akala mo ba ikaw lang ang nagmahal? Ang nagmamahal? At magmamahal? Aminin mo na kasi na naging imba tayong dalawa. Nag-enjoy ka naman di ba?

Inagaw ba ako o ipinamigay mo? Ayan ka nanaman sa katwiran mo. Ako ang nanloko at ikaw lagi ang niloko? Tao ka, tao ako. Kaya kong manloko, ikaw? Santa? Basura nga ako sa’yo, ginto naman sa tunay na mahal ko.

Tama yan, magsama kayong dalawa. Darating ang panahon, iiwanan ka rin n’ya. Maiinintindihan ko kung di ka nya maiintindihan.

Keep on hoping, keep on dreaming. Kapag di ka kasi pinansin, isa lang ang ibig sabihin. Hindi ka kapansin pansin. Kapag di ka minahal. Hindi ka kamahal mahal. Simple lang di ba?

Hindi ka ba talaga makaramdam? When I say stop, stop! Specially when you’re talking a lot. Nakakarindi, nakakatorete.

Nang iniwan mo ako, I found someone better. Kapag iniwan ako ng kapalit mo, sasabihin nya, again, I found someone better. Salamat sa inyong dalawa, hindi man perpekto ang nahanap ko, respeto lang naman kasi ang kailangan ko.

Nakalimutan ko ba? Pasensya na ha. Isa lang kasi ang inaalala ko, ang kalimutan kong gawin ang mga bagay na inaasahan mo. Tagal mo kasing makaramdam, dial-up ba koneksyon mo? DSL i-try mo.

Wag kang mag-alala, dati naman naging clown ka rin ng buhay ko. Akala ko kasi magiging masaya akong kasama ka, di ko naman kasi akalain na bababangungutin akong kapiling ka.

Ang sarap mo ngang magmahal. Kumpleto sa rekado. Minsan matamis, minsan maalat. May oras na maasim, may araw na mapait. Ang anghang mong magmahal. Para mo ‘kong sinasakal.

Kapag ikaw ay iniyakan ng babae, may bago ba? Parang lahat naman ng bagay umiiyak sila. Kapag lalaki ang umiyak, hindi lang mata ang lumuluha. Kundi puso at kaluluwa nila.

Ako nanaman ba? Masdan mo nga ang nasa paligid mo, sama mo na rin sarili mo. Lokohan ba? Bulag ka na ba at di mo nakikita?

Nakita ko rin ang ex mo kanina. Mabuti naman at natauhan ka na. Nakakatuwa ka talaga. Hindi pala. Nakakatawa ka.

Kaya naman pala hindi tayo magkasundo, mas mahal mo kasi ang sarili mo. Ok lang naman mahalin ang sarili, pero kung 30% din lang naman ang ibibigay mo sa akin, mabuti pang wag na lang. Ayoko kasing mabitin.

Salamat at pinatulan mo ang isang hamak na tulad ko. Ang ganda ganda mo. Pero bakit nagkaganito? Aking napagtanto, ang sinasabi ng aking mga ninuno. “Mag-ingat sa panlabas na anyo, dahil baka ito’y isang balatkayo”

Natauhan ka pala, mabuti na lang. Mas matagal kasi akong nagising sa katotohanang hindi ako sa iyo ay bagay. Siguro ganun talaga ang pakiramdam ng isang taong tunay na nagmamahal.

Pwede pwede pwede. Di ikaw na rin ang nagsabi. Lahat ng bagay, pwedeng mangyari. Bakit ka ngayon nag-iinarte?

Paalam na sa iyo dahil nagpagmuni muni ko na walang patutungan ang paglalaro nating ito. Sino bang nakinabang, hindi ba’t tayong dalawa din naman?

Stupid na nga kung stupid. Pag sinabi kong uminom ako, lasenggo na. Pag napatingin sa iba, babaero na. Ngayon, pati ba naman pag se-share ko ng stat sa facebook, mamasamain mo pa? Emo ba kamo? O imba?

Ako, hindi ko pipigilang maluha sa tuwing ako’y masasaktan. Ang luha ko ang patunay ng aking pakikipaglaban sa buhay. Masaya man o puno ng lumbay. Naniniwala akong isang araw makaka-GG din ako sa piling ng aking mahal.

>>>>>>>>>>>>

DIYAN NAGTATAPOS ANG KANYANG ARGUMENTO.. MAY KASUNOD PA KAYA ITO? PAPAYAG KAYA AKONG DITO NA MATAPOS ITO?? ABANGAN.. ABANGAN...

Wednesday, January 27, 2010

SOLVING THE MAN+WOMAN EQUATION

THE MAN + WOMAN EQUATIONS

Smart man + smart woman = romance
Smart man + dumb woman = pregnancy
Dumb man + smart woman = affair
Dumb man + dumb woman = Marriage
Smart boss + smart employee = profit
Smart boss + dumb employee = production
Dumb boss + smart employee = promotion
Dumb boss + dumb employee = overtime

GENDER ISSUES:

A man will pay P2.00 for a P1.00 item he needs.
A woman will pay P1.00 for a P2.00 item she doesn’t need.

A woman worries about the future until she gets a husband.
A man never worries about the future until he gets a wife.

A successful man is one who makes more money that his wife can spend.
A successful woman is one who can find such a man.

To be happy with a man, you must understand him a lot and love him a little.
To be happy with a woman, you must love her a lot and not try to understand her at all.

A woman marries a man expecting he will change, but he doesn’t.
A man marries a woman expecting that she won’t change, and she does.

A woman has the last word in any argument.
Anything a man says after that is the beginning of a new argument.

From: Emy Liwag of Ateneo Psychology Department and Tat Buhay Murillo of UP Los Banos, and Physics Instructor Marco Changho

Tuesday, January 26, 2010

BATU-BATO SA LANGIT

Tik..tak..tik..tak.. Alas otso na'y tulog ka pa
Samantalang may klase ka ng umaga.
Nang bumangon ka'y pupungas pungas pa
Hindi mo pansin ika'y late na.

Alas nuwebe kinse dumating sa eskuwela
Ngunit ika'y hindi dun nagpunta
Pumasok, kinatagpo lng barkada
Bitbit ang bag, patungo sa lakwatsa.

Ang butihing ina ay nagtitiis
Nagtratrabaho, nag-aalaga sa ibang kapatid.
Ngunit hirap at pagod ay napapalis
Sa pag-aaral ikaw ay maitawid.

Sa paglipas ng oras, araw at buwan,
Ikaw sa klase ay lulubog lilitaw.
Akala ng ina'y ika'y nag-aaral,
Upang makatulong niya balang-araw.

Pagtanggap ng classcard, natural lagpak ka.
Sinayang mo pinagpagurang matrikula.
Ang iyong ina'y masayang naghihintay
Buong akalang grado mo'y mahuhusay.

ILAN PA BANG MAG-AARAL ANG KATULAD MO?
BAON-PASOK, LAKWATSA, BARKADA ANG GUSTO.
ANG SINAYANG NA PANAHON AY DI NA MABABALIK,
SA INANG PINAASA, SAKIT AT LUHA ANG NAGING KAPALIT.

NOTE: sana po ay walang napikon... mahirap pong kumita ng pera. sana bigyan natin ng halaga ang paghihirap ng nagpapa-aral sa atin..

Monday, January 25, 2010

ALLERGY OR GALIS

Mahirap maging mahirap, ika nga.. Mas lalo pang pinaramdam ang hirap ng buhay sa mga salitang ekslusibo lng sa ating mga mahihirap..
Namnamin, himay himayin, at sabihin pagkatapos basahin.. ALLERGY OR GALIS?

>>>>>>>>>
If you are rich, you have an ALLERGY. Pag magirap ka, tawag dito ay GALIS o BAKOKANG.

Sa mahirap, SIRA ANG ULO. The rich suffers from a serious breakdown due to stress and worries.

If you're rich, it's called MIGRAINE. Pag mahirap ka at sumakit ulo mo, malamang NALIPASAN KA NG GUTOM.

Pag mahirap ka, tawag sayo ay MAGNANAKAW. Pag mayaman ka at makati ang kamay mo, tawag sayo ay KLEPTOMANIAC.

If rich, you're SCOLIOTIC. Pag mahirap, KUBA. (ang saklap naman..aray ko ah!)
Ang mahirap, MAY TOYO KA SA ULO. If rich, you're just ECCENTRIC. (sounds good pa rin kahit pangit.. Ingles kasi)

If you are dark-skinned domestic, tawag sayo ay ITA, NEGRITA, or BALUGA. If you're rich, you are called a MORENA or KAYUMANGGI. (parang maganda pa din..)

People in high society will call you SLENDER or BALINGKINITAN. If you're poor, you are plain PAYATOT, PATPATIN, or TING-TING.

As to height, rich people are called PETITE. The poor ones are called PANDAK, BANSOT, UNANO, or JABBAR.

If you are poor and seem to be friendly to males, you are called PAKAWALA, MALANDI, or POKPOK (excuse me po sa words -- kelangan lang gamitin eh). The rich are called LIBERATED.

When you're rich, people would say YOU ARE GRADUALLY GRASING SENIOR CITIZENHOOD. Pag mahirap ka, tawag sayo GUMUGURANG.

If you come from a healthy family, you are called a SLOW LEARNER. Pag mahirap ka, BOBO or GUNGGONG (pangit naman pakinggan)

If you are rich and you love to eat, people would say "NICE TO KNOW YOU HAVE ENJOYED MY FOOD." Pag mahirap ka, isang lumalagapak na PATAY-GUTOM, HAMPASLUPA, at MASIBA ang maririnig mo!


NGAYON, may makati ba sa balat mo? Anong meron ka -- ALLERGY O GALIS??